Zero crime sa BOL plebiscite, ikinatuwa ng PNP-ARMM

Ikinatuwa ni PRO-ARMM Regional Director Chief Supt. Graciano Mijares ang zero crime sa mga lugar ng nakalipas na Bangsamoro Organic Law (BOL) plebiscite.

Bukod aniya sa isang insidente ng pag-aresto dahil sa paglabag sa gun-ban, ay walang krimen na naganap kaugnay ng plebisito at pangkalahatang naging mapayapa at maayos ang botohan.

Pinuri ni Mijares ang lahat ng security forces sa nakalipas na BOL plebiscite para sa “job well done.”

Ayon kay Mijares, hindi natakot ang mga mamayan na bumoto dahil sa tiwala sila na protektado ng mga pulis at sundalo.

Magugunitang 10,000 pulis at 10,000 sundalo ang idineploy sa mga lugar na pinagdausan ng botohan para matiyak ang seguridad sa lugar. | ulat ni Leo Sarne