Zero budget declaration ni Speaker Alvarez sa LGU kapag hindi sumuporta sa pederalismo, usaping Kamara ayon sa Palasyo at hindi pakikialaman ng ehekutibo

Pahayag ni Presidential Spokeperson Secretary Harry Roque, may umiiral na separation of powers sa pagitan ng Kongreso at ng Ehekutibo.

Hands-off ang Palasyo sa zero budget statement ni House Speaker Pantaleon Alvarez para sa mga local government units na hindi susuporta sa pederalismo.

Pahayag ni Presidential Spokeperson Secretary Harry Roque, may umiiral na separation of powers sa pagitan ng Kongreso at ng Ehekutibo.

Usaping Kamara aniya ang naging pahayag ni Alvarez at iniiwan na lang aniya ng Malacañang ang isyu sa Mababang Kapulungan.

Gayunpaman, ipinaliwanag ni Roque na hindi naman pupuwede na iisang kapulungan lamang ang magdedesisyon dahil may proseso sa budget making at kailangan ng pakikiisa dito ng Senado.

Pero sa huli’y inihayag ng tagapagsalita na kanilang nirerespeto ang nasabing deklarasyon ni Alvarez at hindi ito panghihimasukan ng Executive Department. | via Alvin Baltazar