Yorme, tiniyak ang pagtakbo sa 2022 elections

Siniguro ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na tatakbo siya sa 2022 election, pero wala pa siyang desisyon kung aling posisyon.

Sinabi din ng alkalde na nakatuon muna siya sa mga obligasyon sa mga taga-Maynila.

Nais din muna niyang paglaanan ng oras ang pagseserbisyo at saka lamang siya magdedesisyon.

Matunog ang pangalan ni Moreno sa mga binabanggit na posibleng kandidato sa mataas na posisyon sa bansa.

Sinabi rin ng alkalde na bagamat natutuwa siya at “honored”  na siya ay nababanggit na isa sa pinagpipiliang maging susunod na presidente ng Pilipinas, siya pa rin ang magdedesisyon sa huli.

Maganda ang resulta ni Mayor Isko sa ng mga lumabas na survey para sa 2022 election, lalo nasa vice-presidential race. Siya rin ay isinaalang-alang bilang potensyal na kandidato ng 1SAMBAYAN koalisyon.

Si Mayor Isko ang kasalukuyang vice chairman ng National Unity Party.