Yolanda housing project sa Mc Arthur, Leyte, kumpleto na — Sec. Nograles

Tapos na ang Yolanda housing project ng gobyerno sa Mc Arthur, Leyte.

Pagmamalaki ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, 100 percent completed na ang 112 pabahay sa nabanggit na area.

Ayon kay Nograles, batid ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hirap na mawalan ng tahanan tulad ng mga pamilyang iginupo ang buhay at kabuhayan ng bagyong Yolanda.

Ito aniya ang dahilan sabi ng kalihim kung bakit nanatiling prayoridad ng Pangulo ang Yolanda housing project kahit na sa panahon ng pandemya.

At batay naman sa datos ng NHA, as of October 12, 2020, sa target na 53,038 housing units para sa Region 8, nakumpleto na ang 37,414 units o katumbas ito ng 70.54% completion rate.

Ang natitirang 15,624 units ay sumasailalim pa sa konstruksyon.