Wreckage ng bumagsak na PAF chopper sa Bohol, nasa Cebu na para sa imbestigasyon

Nai-turn over na sa Tactical Operations Wing-Central ang Philippine Air Force sa Cebu ang wreckage ng kanilang MD-520 helicopter na nag-crash landing sa Bohol noong nakaraang linggo.

Ang mga tauhan ng BRP Abraham Campo (PC396) at Naval Special
Operations Unit – 5 sa pakikipagtulungan ng mga personnel ng 5th
Strike Wing ng Philippine Air Force at Coast Guard Sub-Station Getafe ang nagsagawa ng recovery operation sa karagatan ng Jandayan Island, Getafe, Bohol.

Isang civilian crane ang ginamit para maiahon sa karagatan ang bumagsak na helicopter, at isinakay ito sa BRP Abraham Campo patungong Captain
Veloso Pier, Naval Base Rafael Ramos, Lapu-Lapu City, at saka itinurn over sa Air Force.

Kasalukuyang iniimbestigahan ang naging sanhi ng insidente na ikinasawi ng piloto ng chopper na si Capt. Aurelios Olano.

Nagre-recover naman ngayon sa ospital ang co-pilot nito na si 1Lt. Hillary Bunao at ang dalawang crew na sina A1C Rex Anapio at A1C Bonn Arsola, na sugatan sa insidente.

Photo by Philippine Navy