World Water Day celebration, pasisimulan na ngayong araw ng DENR

Ayon kay DENR River Basin Control Office Executive Director Antonio Daño, ang World Water Day ay ginugunita taun-taon tuwing Marso 22 upang iangat ang kamalayan ng tao tungkol sa kahalagahan ng tubig at sustainable development.

Pangungunahan ng Department of Environment and Natural Resources ngayong umaga ang pagdiriwang sa World Water Day sa taong ito.

Ayon kay DENR River Basin Control Office Executive Director Antonio Daño, ang World Water Day ay ginugunita taun-taon tuwing Marso 22 upang iangat ang kamalayan ng tao tungkol sa kahalagahan ng tubig at sustainable development.

Ang tema ng paggunita ngayong taon ay “Nature for Water.

Bahagi ng selebrasyon ay gagawin sa La Mesa Nature Reserve sa Quezon City ngayong alas otso y media ng umaga kung saan isasagawa ang five-kilometer “nature walk”—isang physical at educational activity na pangungunahan ng water concessionaire na Manila Water, Inc.

Kasabay din nito ang isasagawang Lakbay Manila Bay sa La Mesa Arboretum na pangungunahan ng DENR-National Capital Region.

Ang iba pang aktibidad ay gagawin bukas tulad ng Eco Experience sa Biak na Bato Nature Park sa Bulacan, World Water Day sa Pangil River Eco-Tourism Park sa Laguna bukas Marso 16 hanggang 17, Underground River Trail Nature Walk sa Palawan sa Marso 18, Summit on Bamboo Plantation and Production sa Local Water Utilities Administration Multipurpose Court sa Marso 20, at Plant for Life Mangrove Planting activity sa Malabon City sa Marso 21.

Pinaka highlight ng selebrasyon ay ang awarding ceremony na gagawin sa Marso 22 sa isang Novotel sa Cubao, Quezon City. | via Rey Ferrer