World Animal Protection group, umalma sa paraan ng pagpatay ng mga baboy na infected ng ASF

Nanawagan na sa gobyerno ang World Animal Protection na sundin ang international guidelines sa pagkontrol sa African Swine Fever (ASF) virus.

Ayon kay Mark Dia, Farming Director ng World Protection, hindi umano katanggap-tanggap sa grupo ang anila’y cruel treatment na ginagawa sa mga baboy na infected ng ASF.

Binigyang halimbawa nito ang paglibing ng buhay ng mga baboy sa Antipolo City.

Dahil sa anila’y inhumane practices na pagtrato sa mga baboy, may tsansa pa raw na kumalat ang virus.

Tanggap na rin ng grupo ang ginagawa ng Quezon City government sa paggamit ng lethal injection, pero, para sa limitadong bilang lamang.

Inirekomenda ng grupo na maaaring gamitin ang electrocution at paggamit ng CO2 gas stunning at captive bolt sa pagpatay sa mga baboy.

Dapat ding magpatupad ng malinaw na direktiba ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Dept. of Agriculture (DA) sa mga local government units para sa tamang paghawak sa kaso ng ASF.