Wooden bridge na nag-collapse sa Zamboanga City, titiyakin ng NHA na gagawing mas matibay

Ipinag-utos na ng National Housing Authority ang pag-review sa disenyo ng wooden bridge sa Barangay Rio Hondo, Zamboanga City na nag-collapse noong Abril 26.

Kasabay na rin nito ang pagsasaayos at pagbabago ng anyo para agad na magamit ng mga residente sa lugar.

Naniniwala si NHA General Manager Marcelino Escalada Jr. na ang pag-collapse ng wooden bridge ay bunsod ng matagal na pagkababad nito sa init ng araw at tubig dagat.

Sa kaso ng wooden bridge hindi lamang tao ang gumagamit nito kundi dinadaanan din ng mga tricycle.

Tulad ng ibang tulay, dapat may itinatakdang load limit sa konstruksyon ng nito na isa ding factor kung bakit ito nag-collapse.

Giit pa ni Escalada, bago i-turn over sa local government ng Zamboanga City ang tulay, titiyakin ng NHA na maaayos ang pagkakagawa nito at makikipagtulungan sa alkalde ng lungsod para sa operations at maintenance ng housing projects sa Rio Hondo, Hongkong at Marikit.

Kaugnay sa nangyaring insidente kung saan bumagsak ang tulay kasama ang ilang local officials at NHA personnel, humingi ng paumanhin ang pamunuan ng ahensiya at tiniyak na hindi na ito mauulit. | via Rey Ferrer