WHO, walang nakikitang vaccine hesitancy sa Pilipinas

Hindi pagdadalawang-isip para magpabakuna kundi kakulangan sa supply upang maibigay ang demand ang nakikita ng World Health Organization sa kasalukuyang sitwasyon ngayon ng bansa.

Ito ang binigyang diin ng World Health Organization taliwas sa napapaulat na malaking vaccine hesitation sa hanay ng maraming mga Pinoy.

Ayon kay WHO Representative in the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinge, gustong gusto nga ng mga Pilipino ang makatanggap ng bakuna dangan lang at hindi masustine ng mga lokal na pamahalaan ang demand.

Kung may mga nagiging choosy man aniya sa brand ng bakunang nais na maiturok sa kanila, hindi umano ito dapat na mabigyan ng interpretasyon na ito ay vaccine hesitancy.

Totoo ayon kay Dr. Rabindra na may pagdududa ang bansa sa ilang mga naging vaccination pero hindi nila aniya ito nakikita sa ginagawa ngayong inoculation program ng gobyerno laban sa COVID-19.