WHO, suportado ang desisyon ng PH na di pag anunsyo ng brand ng COVID vaccine na gagamitin

Suportado ng World Health Organization (WHO) ang hakbang ng pamahalaan, na huwag nang ianunsiyo ang brand ng COVID-19 vaccine na gagamitin sa isang vaccination site.

Ayon kay WHO Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe, nakita naman kasi nila na nagkakaroon ng pagdagsa ng publiko sa mga vaccination site, kung inaanunsyo ang bakunang gagamitin.

Aniya, kung ang hindi pag aanunsiyo ng brand ng bakuna ang paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng siksikan at super spreader event, tama ang direksyong tinatahak ng bagong polisiya ng pamahalaan.

Sa pamamagitan rin nito, mahihikayat aniya ang publiko na magpaturok kung ano ang available na bakuna sa kanilang lugar.

Kaugnay nito, binigyang diin ni Dr. Abeyasinghe, na lahat ng bakunang ginagamit sa kasalukuyan ay mabisa laban sa pagkakaroon ng severe case ng COVID-19, at hindi mahalaga kung anong brand ang tatanggapin ng isang indibidwal.

Matatandaan, na una nang nilinaw ng MalacaƱang na bagamat hindi inaanunsyo ang brand ng bakuna, sasabihin pa rin ito sa mga indibidwal bago sila maturukan.