Wheelchair-for-a-day challenge, ipinanawagan ni Rep. Nograles

Sa gitna ng kaliwa’t kanang panawagan para sa commute challenge ng mga opisyal ng gobyerno, nagbaba ng panibagong hamon si PBA Partylist Representative Koko Nograles, partikular sa mga local government official.

Aniya, dapat maranasan ng mga ito na mag-wheelchair at umikot sa kanilang nasasakupan upang matignan kung totoo nga bang PWD accessible ang kanilang siyudad.

Paliwanag ng kongresista, kulang sa implementasyon ang PWD Act of 2016, kaya’t malaking porsiyento ng lungsod, mga establisyimento maging ng mass transportation sa bansa ay hindi pa rin PWD friendly.

REP. KOKO NOGRALES

Wheelchair Challenge, ipinanawagan ni PBA Partylist Representative Koko Nograles. | via Kathleen Jean Forbes www.radyopilipinas.ph

Posted by Radyo Pilipinas on Monday, October 14, 2019

Minsan na aniya siyang naglakad sa kahabaan ng EDSA at napansin niya na kung walang nakaharang na poste ay baku-bakong sidewalk naman ang kailangang tiyagain ng mga PWD.

Inihalimbawa naman niya ang Bonifacio Global City at Nuvali, na ilan sa mga piling lugar na masasabing PWD friendly ang pasilidad.