Western Mindanao Command at 6th Infantry Division ng Philippine Army, magkakaroon ng bagong mga commander

Si 6th Infantry Division Commander Major General Arnel Dela Vega ang itinalagang bagong commander ng Western Mindanao Command.

Si Dela Vega na miyembro ng PMA Sandiwa Class of 1985 ang magti-take over sa dating posisyon sa Wesmincom na binakante ni AFP Chief of Staff General Carlito Galvez Jr.

Ang babakantehin namang posisyon ni Dela Vega sa 6th ID ay ia-assume ni Joint Task Sulu Commander Brig. General Cirilito Sobejana.

Si Sobejana na miyembro ng PMA Class of 1987 ay hindi na bago sa 6th ID dahil naging dati itong Brigade Commander sa ilalim ng 6 ID.

Sa pamumuno ni Sobejana sa Joint Task Force Sulu ay nabawasan ang bilang ng hostages na hawak ng Abu Sayyaf mula sa 50 sa siyam na lamang.

Ayon kay Sobejana, itinuturing niyang bagong hamon sa kanyang pag-upo bilang commander ng 6th ID ang pagnutralisa sa NPA at BIFF. | via Leo Sarne