“We don’t negotiate with terrorists,” sagot ng militar kay Joma Sison

“We don’t negotiate with terrorists.”

Ito ang inihayag ni 4th Infantry Division Commander Maj. Gen. Ronald Villanueva bilang sagot sa alok ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding Chair Jose Maria Sison na pakakawalan ng New People’s Army (NPA) ang kanilang mga bihag na sundalo at Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) sa isang kundisyon.

Ito ay ang itigil ng militar ang kanilang opensiba laban sa NPA upang bigyang-daan ang 3rd party negotiations para sa pagpapalaya sa mga bihag.

Giit ni Villanueva, hindi titigil ang militar sa kanilang operasyon, para mabawi ang dalawang sundalo at 12 CAFGU na hawak ng NPA sa Agusan Del Sur.

Sa katunayan aniya ay nagtitipon-tipon na ang mga batalyon ng militar sa Agusan Del Sur para tugusin ang mga kidnapper.

Ito’y matapos na makubkob ng 50 hanggang 80 NPA ang Army detachment sa Brgy. New Tubigon, Sibagat, Agusan del Sur nitong Miyerkules ng madaling araw, kung saan nabihag nila ang lahat ng nasa kampo at matangay ang lahat ng kanilang mga armas nang walang naganap na palitan ng putok.  | ulat ni Leo Sarne