Warriors, naitala ang ikalawang panalo sa Western Conference Finals playoffs

Tinambakan ng Golden State Warriors ang top seeded na Houston Rockets sa game 3 ng Western Conference Finals sa iskor na 126-85 na idinaos sa Oracle Arena para makuha ang 2-1 series lead.

Matapos mag-struggle sa tres noong games one at two, nagliyab ang shooting ni Stephen Curry na nagtala ng tatlumpu’t limang puntos (35), kabilang ang limang three point conversions para pangunahan ang defending champions na Warriors.

Bente puntos naman ang naitala ni James Harden para sa Rockets, nag-commit ng labing siyam (19) na team turnovers na naging dahilan para sa rally ng Golden State sa 2nd half.

Muling maghaharap ang Houston at Golden State sa darating na Miyerkules, alas-9 ng umaga, oras sa Pilipinas, para sa game 4 ng Western Conference Finals. | via Aaron