Walang tigil na tangkang pagpapabagsak sa gobyerno, hindi na ikinagugulat pa ng Palasyo

Maituturing na hindi na bagong bagay pa para sa Palasyo ang hindi matapos-tapos na usapin hinggil sa tangkang pagpapabagsak sa gobyerno.

Matatandaan, na nito lamang nakalipas na buwan ay umugong ang tinatawag na “Red October” ouster plot na ang target ay mapatalsik sa posisyon si Pangulong Rodrigo Duterte na napigilan naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sinundan ito ng umugong na balitang may tangka na namang pagpapabagsak sa buwan ng Disyembre.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, na hindi na siya magtataka kung meron man palaging ganitong masamang plano laban sa Pangulo.

Ito naman daw kasi ang rason kung bakit naririyan ang Communist Party of the Philipines (CPP), na ang tanging layunin ay ibagsak ang pamahalaan at sila ang pumalit sa pamamuno.

Gayunpaman, iginiit ni Panelo na hindi magtatagumpay ang anomang hakbang ng grupo ng makakaliwa na sa nakalipas na ilang dekada na ay nabigo ang mga ito sa kanilang tangka. | ulat ni Alvin Baltazar