Walang smuggling ng karneng baboy sa Davao – BAI

Siniguro ng Veterinary Quarantine Services unit ng Department of Agriculture (DA) Davao-Bureau of Animal Industry (BAI) na walang smuggling activities ng karneng baboy sa lungsod ng Davao.

Ayon kay Veterinary Quarantine Services Unit officer Dr. Ma. Teresa Bacayo, mahigpit ang kanilang isinasagawang inspeksiyon sa mga produkto na pumapasok o dumadaan sa lungsod.

Siniguro nito na ang lahat ng mga produktong karne na planong ipasok sa Davao City ay dapat isumite at kumuha ng clearance sa Sanitary and Phytosanitary Import Certificate (SPSIC), upang malaman na ligtas ito mula sa mga sakit gaya ng African Swine Fever.

Dagdag pa ng opisyal, wala silang nakumpiska na mga frozen at processed meat, dahil na rin sa massive information dissemination sa nasabing sakit lalo na sa mga bumabiyahe mula China, Latvia, Poland, Romania, Russia at Ukraine at iba pang mga Asian at European countries.