Walang naitalang kapinsalaan ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa magnitude 6 earthquake na yumanig sa Lanao del Sur kahapon.
Sinabi ni NDRRMC Spokesperson Director Edgar Posadas na hanggang kagabi ay walang major effects na naiulat sa NDRRMC.
Kahit aniya magnitude 6 ang lindol, dahil medyo malalim ang sentro na 617 km, kaya hindi masyadong naramdaman.
Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na tumama ang lindol 3:55 kahapon ng hapon. Ang sentro ay isang kilometro northwest ng Balindong, Lanao del Sur. | ulat ni Leo Sarne