Wala na-trap na residente sa nasunog na residential area sa Brgy. Vasra Q.C

Kinumpirma ni BFP-QC District Fire Marshal Sr. Supt. Manuel Manuel na walang na-trap na residente sa nasunog na residential area ngayong hapon sa North Avenue, Barangay Vasra, Quezon City.

Ayon kay Manuel, wala naman sa mga biktima ng sunog ang nagreport sa kanila ng mga nawawala.

Sa ngayon aniya ay nasa lima ang naitala nilang nagtamo ng minor injuries kabilang ang dalawang bumbero.

Sabi pa ni Manuel, wala namang bahagi ng Department of Agriculture (DA) ang napinsala ng sunog dahil mataas ang firewall ng kagawaran.

Mahigit sa tatlong-daang pamilya ang apaktedo subalit inaalam pa rin ng arson investigators ang dahilan ng sunog na umabot sa ika-limang alarma.

Aminado naman ang opisyal na bahagyang naka-apekto sa kanilang pagresponde sa lugar ang mga itinayong harang sa kahabaan ng North Avenue dahil sa expansion project ng MRT-7.

Sa mga oras na ito ‘fire under control’ pa rin ang sunog. | Ulat ni Shame Juan