Voter’s registration, wala ng extension — COMELEC

Walang plano ang Commission on Elections na pahabain pa ang voter registration para sa darating na halalan 2022.

Binigyan-diin ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na ang pagpapatala para sa May 9, 2022 elections ay hanggang September 30 na lamang at hindi na ito palalawigin pa.

Paalala ng COMELEC, maaring magpatala ang mga botante sa mga opisina ng COMELEC mula Lunes hanggang Biyernes ng alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Kailangan lamang dalhin ang kanilang identification card, ballpen, at voter registration form.

Mahigpit ding ipatutupad ang safety protocols kabilang ang pagsusuot ng face mask, face shield, gayundin ang physical distancing.

Samantala, sinabi ni Guanzon na inaasahan na ng Comelec ang mababang voter turnout sa susunod na halalan dahil na rin sa COVID-19 pandemic.

Aniya ang nakaraang national average turnout ay halos 70 porsyento.