Volcanic activity ng bulkang Taal, bumaba sa nakalipas na 24-oras — PHIVOLCS

Nakapagtala lamang ng limitadong 10 volcanic earthquake ang bulkang Taal sa nakalipas na 24-oras.

Kabilang na rito ang siyam na volcanic tremor events na tumagal ng isa hanggang anim na minuto, isang low-frequency volcanic earthquake at low-level volcanic tremor.

Sa huling bulletin na inilabas ng PHIVOLCS, nakitaan pa rin ito ng pagbuga ng high level carbon dioxide kahapon na may taas na 900 meters.

Nasukat din ang sulfur dioxide emission sa average na 2,441 tonnes per day.

Paalala pa ng PHIVOLCS, bagamat bumaba ang aktibidad ng bulkan hindi nangangahulugang kalmado na ito.

Nananatili pa ring nakataas ang Alert Level 3 status at hindi inaalis ang posibilidad ng muling pagputok ng bulkan.