Villar pinayuhan ang NFA na bumili ng bigas mula sa local producers

Pinayuhan ni Senadora Cynthia Villar ang National Food Authority (NFA) na bumili ng bigas mula sa mga local producer para punan ang kanilang buffer stock o reserbang paniguro sa suplay ng naturang pagkaing butil.

Ayon kay Senadora Villar, chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food, wala naman talagang shortage ng bigas sa merkado, ang nawawala lang aniya ay ang suplay ng NFA rice na kailangang parating may nakareserba sana para sa loob ng 15 araw.

Tinukoy ni Villar na sa umiiral na batas, ang NFA ay inaatasan na siguruhin na may l5-araw na buffer stock ng bigas na maaring bilhin mula sa ating mga magsasaka o mag-angkat mula sa ibayong dagat, kung kinakailangan.

Anang mambabatas, dapat pumunta at bumili ang NFA ng bigas mula sa mga lalawigan kung saan mas murang mabibili ang bigas, tulad ng antique, bicol at Palawan.. at wag daw kumuha mula sa central luzon dahil maraming traders ang bumibili sa mas mataas na presyo ng bigas mula sa mga magsasaka sa Luzon.

Dagdag pa ni villar, na mabibili ang palay sa ilang lugar sa mindanao sa halagang mas mababa sa P17 piso kada kilo. | via Jojo Ismael