Villanueva: Papanagutin ang mga lumabag sa batas, sa halip na ipasara ang Boracay Island

Para kay Senador Joel Villanueva, mas mabuti umano kung magpapatupad ang gobyerno ng mas mahigpit at agresibong mga hakbangin laban sa mga lumalabag sa batas sa halip na ang planong lubusang pagpapasara ng Boracay Island.

Sinabi ni Senador Villanueva na siya’y nababahala kapag natuloy ang complete shutdown ng Boracay dahil posibleng magdulot ito ng negatibong epekto sa turismo at economic activity sa isla.

Mungkahi ng mambabatas na papanagutin sa batas ang mga lumabag at hayaan nang bukas ang mga compliant establishment.

Aniya, ang pinakamabilis at proactive solution ay ang seryosong implementasyon ng ating mga batas kaugnay sa mga alalahaning pang-ekolohikal ng Boracay, kabilang na rito ang Clean Water Act, Clean Air Act at ang Ecological Solid Waste Management Act.

Diin ni Villanueva, ang implementasyon ng mga nabanggit na batas ay hindi mangangailangan ng agarang pagpapasara ng Boracay Island. Ang mga lumabag ay kailangang maparusahan, pagmultahin at ikulong nang naayon sa umiiral na batas. | via Jojo Ismael