Vegetable farmers, apektado ng maulang panahon

Apektado na ng maulang panahon ang mga vegetable farmers at ilang pamilihan na  nakararanas ngayon ng oversupply ng gulay.

Isinisisi ito ng mga magsasaka sa panay-panay na malalakas na pag-ulan kaya napipilitan silang anihin agad ang mga pananim na gulay.

Tulad na lamang anila sa lungsod ng Urdaneta, Pangasinan na nagkaroon ng napakaraming supply ng mga gulay sa pamilihan dahilan ng pagbaba na rin ng presyo.

Nagiging problema naman ng mga vegetable farmers ang kakulangan ng buyer sa mga naaning gulay.

Ang pagbabago kasi ng panahon ay nakakaapekto sa pag-aani ng pananim na gulay at pagde-deliver ng mga ito.

Ayon sa Department of Agriculture, posibleng magtagal ang mababang presyuhan ng gulay hanggang sa ber-months.