Valenzuela City Mayor Gatchalian, naturukan na ng 2nd dose ng Sinovac

Naturukan na ng ikalawang dose ng COVID-19 vaccine si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian.

Pasado alas-11 kaninang umaga ng pumunta ang alkalde sa People’s Park Vaccination Area, upang maturukan na ng second dose ng Sinovac

Dumaan si Gatchalian sa normal na vaccination procedure, kung saan sumailalim ito sa validation at screening kasabay ang mga senior citizen at may mga comorbidity.

Matapos nito ay agad itong binakunahan at inobserbahan ng 30 minuto.

Matatandaang inaprubahan ng Interagency Task Force (IATF), na mapabilang ang mga alkalde sa listahan ng priority group sa vaccination program.

Kaugnay nito, ay hinihimok rin ng lokal na pamahalaan ang publiko na magpabakuna na, upang maging protektado laban sa virus.