Vaccination kontra COVID-19 para sa mga empleyado ng KCC Mall sa General Santos City, nagpapatuloy

Ang KCC Mall sa General Santos City ay nagsasagawa ng vaccination para sa kanilang mga willing employees sa partnership ng City Health Office na tumulong din sa KCC Mall na makakuha ng bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Mr. Arvin T. Chan, CEO ng kumpanya, ito ang kanilang paraan para makatulong sa komunidad, lalo na sa mga empleyado. Aniya, ang pinagkaisang layunin ng mga tao at karamihan sa organisasyon ay malampasan ang mga hamon na dinulot ng COVID-19. Sinabi ni Chan na malaking tulong para sa mga willing employees na mabakunahan sila.

Ang KCC Mall ay may 1,400 na empleyado. Nagsimula ang kanilang vaccination noong July 15 at ito ay hanggang July 21, 2021.