Uson, kuwalipikadong tumakbo kung nanaisin nito – Palasyo

Kuwalipikado si dating Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson para tumakbo sa eleksiyon.

Ito ang binigyang-diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sa harap ng naging pahayag ni Uson sa panayam sa Senado na dadalhin niya ang laban sa Senado o sa Kongreso.

Sabi ni Roque, ang tanging kuwalipikayon sa pagkandidato ay kailangang ikaw ay isang Filipino citizen at nasa hustong gulang kaya’t walang dudang maaaring tumakbo at qualified si Uson na kumandidato.

Tumanggi namang magkomento si Roque sa kung naging pabigat ba sa PCOO ang dating assistant secretary.

Wala aniya siya sa ilalim ng PCOO subalit, naipapadala naman nito sa kanyang mga followers ang mensahe din ng Office of the Presidential Spokesperson.  | ulat ni Alvin Baltazar