Usaping pangkapayapaan sa grupo ng Komunista, hindi malayong maapektuhan matapos ang pamamaril sa siyam na magsasaka

Nanganganib na magbago ang posisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte sa usaping pagkapayapaan sa hanay ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi malayong magkaroon ng bigat ang nangyaring insidente sa sinisikap na pakikipag-usap tungkol sa kapayapaan sa grupo ng makakaliwa bunsod ng naganap na pamamaril sa mga sugar workers sa Hacienda Nene sa Barangay Bulanon, Sagay City, Negros Occidental nitong weekend.

Pahayag ni Panelo, lumulutang kasi na may kinalaman ang CPP-NPA sa pangyayari base na rin sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Dahil na rin aniya ito sa testimonya ng ilang mga testigo na nakapagturo sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

Ayon kay Panelo, 50 taon na silang sumusubok na isulong ang kanilang adbokasiya pero wala namang nangyayari.  | ulat ni Alvin Baltazar