Usapin sa pagbubuwag ng NFA, nasa hurisdiksiyon ng Kongreso ayon sa Palasyo

Nasa mga mambabatas ngayon ang bola kung ang pag-uusapan ay ang posibilidad ng pagbuwag sa National Food Authority (NFA).

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa harap ng panawagan ng ilang mga senador na buwagin na lang ang ahensiya.

Sinabi ni Roque na sa pamamagitan ng isinusulong na tarrification bill, patungo na rin aniya ito sa NFA abolition.

Sa sandaling magkaroon na kasi ng rice tariff, mawawalan na talaga ayon kay Roque ng saysay ang NFA at mapahihintulutan na ang pag-aangkat.

Sa pamamagitan din aniya ng rice tariff ay mabubuwag na ang rice import quota at monopolya na una nang sinabi mismo ng Pangulong Rodrigo Duterte na isang ugat ng korapsyon. | ulat ni Alvin Baltazar