Usapin sa joint gas exploration, urgent matter para kay Pangulong Duterte 

Itinuturing ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang urgent matter ang energy security ng bansa.

Ito ang binigyang-diin ni Philippine Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana sa gitna ng napipintong pagtalakay nina Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping tungkol sa magiging hatian hinggil sa joint gas exploration.

Ayon kay Sta Romana, running dry na ang Malampaya na tiyak aniyang makakaapekto sa power supply ng Pilipinas.

Kaya ang Pangulong Duterte ayon kay Sta.  Romana ay sadyang nagmamadaling maiusad ang proseso para makuha ang kooperasyon ng China tungkol sa gas exploration.

Sa ngayon ayon kay Ambassador Sta. Romana ay napakarami pang dapat na gawin kung pag- uusapan ay pagmimina ng langis sa teritoryong sakop ng Pilipinas.  Isa aniya ito sa agenda ng  bilateral meeting nina Pres. Xi at ng Pangulo partikular na sa kung ano ang magiging framework sa pagitan ng Pilipinas at ng China para makapag-sagawa ng Joint exploration sa West Philippine Sea.