US, tumulong sa pag-retrieve ng BRP Gregorio del Pilar sa pagkakabahura sa Hasa Hasa Shoal 

Inamin ng Philippine Navy na tumulong ang Estados Unidos sa pagsalba ng BRP Gregorio del Pilar mula sa pagkabahura sa Hasa Hasa Shoal.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Commander Jonathan Zata, ang Amerika ang tumulong sa paghanap ng local tugboats na humila sa barko.

Aniya ang tugboats na humila sa BRP Gregorio del Pilar ang siya ring tugboats na humila sa sumadsad na USS Guardian sa Tubattaha reef noong 2013.

Dagdag ni Zata, sa Amerika din kukunin ng Philippine Navy ang piyesa para kumpunihin ang BRP Gregorio Del Pilar matapos na masira ang controllable pitch propeller ng barko sa pagkakasadad nito sa Hasa Hasa Shoal.

Mayroon naman anyang piyesa ng barko ang Singapore pero sa Amerika na lang kukuha para tiyak na orihinal ito.

Ayon kay Zata, ligal ang gagawing pagtulong ng Amerika dahil mayroong integrated logistics agreement ang Pilipinas at US.  | ulat ni Leo Sarne