US, nag-donate ng panibagong P37M sa mga biktima ng landslides

Nag-donate ng karagdagang P37.3 milyong piso ang Estados Unidos para sa mga biktima ng landslides ng nakaraang bagyong Ompong.

Sa isang statement mula sa US Embassy sa Manila, aabot na sa kabuuang P43.5 milyong piso ang naitulong ng Estados Unidos sa mga biktima ng bagyong Ompong sa Benguet at Cagayan Provinces.

Ang naturang halaga ay gagamitin para sa anim na buwang emergency home rental assistance para sa 375 pamilya na apektado ng landslides sa Benguet.

Gagamitin din ang naturang halaga na pambili ng binhi para sa 1,400 small scale farmers para muling makapagtanim.

Bukod ito sa inisyal na tulong ng US government na hygiene supplies para sa 5,500 biktima ng bagyo sa Cagayan province, at 1000 tonelada ng pagkain sa mga nasalanta. | ulat ni Leo  Sarne