UPCAT 2019, natuloy na ngayong araw matapos masuspinde noong nakalipas na buwan

Tuloy na ang una sa dalawang araw na taunang University of the Philippines College Admission Test (UPCAT) 2019 na orihinal na itinakda sa buong bansa noong Setyembre 15 at 16.

Alas-5 pa lang ng umaga kanina ng pasimulan ang unang session sa UP-Diliman at matatapos mamayang alas-5 ng hapon.

Mula ng maipatupad ang libreng tuition fee sa mga college and state universities sa ilalim ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act mas dumami ngayon ang mga estudyante na nais pumasok sa UP.

Base sa datos, noong Hulyo tinatayang lumobo ang bilang ng mga student-applicants sa UP hanggang 167,000 ngayong 2018 mula sa 103,000 lamang noong 2017.

Sa ngayon, maayos naman ang sistema ng pagbibigay ng entrance examination sa mga estudyante na nais makapasok sa Unibersidad ng Pilipinas.

Una nang sinuspinde ang UPCAT noong nakalipas na buwan dahil sa bagyong si Ompong.  | ulat ni Rey Ferrer