Unified protocol sa anti-drug ops ng PNP at PDEA, binalangkas

Bumuo ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng unified protocol para sa kanilang mga anti-drug operations.

Ito ay para maiwasan ang mga mis-encounter sa pagitan ng kanilang mga tauhan, katulad ng muntik na namang mangyari nitong Biyernes sa SM Fairview.

Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, nitong Sabado nagkaroon sila ng bilateral meeting ni PDEA Director General Wilkins Villanueva at iba pang mga opisyal sa Camp Crame.

Napagkasunduan ang pagkakaroon ng guidelines kung saan kinakailangang ideklara ang specific areas ng operation sa mga Station Level sa malalaking lungsod.

Paliwanag ni Eleazar, sinasamantala ng mga sindikato ang gap sa rules of procedure sa inter-operations ng PNP at PDEA.

Kaya naman tututukan nila ngayon ang unified protocol para maiwasan na maulit pa ang anumang pagkukulang sa koordinasyon at komunikasyon sa pagitan ng dalawang ahensya.