Unauthorized persons outside residence sa private cars, sisitahin

Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Operations at JTF Covid Shield Commander PLt. Gen. Guillermo Eleazar, ang PNP-Highway Patrol Group (HPG) na maghigpit sa mga unauthorized persons outside of residence (UPOR).

Ayon kay Eleazar, ipinag-utos niya sa HPG ang pagsasagawa ng mga mobile checkpoint at Oplan Habol sa kahabaan ng EDSA, at major thoroughfares sa Metro Manila, para sitahin ang mga UPOR sa loob ng mga pribadong sasakyan.

Dahil wala aniyang quarantine checkponts sa EDSA, mag-iikot ang HPG para hanapin ang mga sasakyan na may mahigit na isang taong sakay at paparahin.

Ito ay sa gitna ng mga report, na marami pa ring mga tao bukod sa mga authorized persons outside of residence (APOR) ang hindi sumusunod sa enhanced community quarantine (ECQ).

Sa ilalim ng ECQ, ay tanging mga healthworker at iba pang nasa government, essential at emergency services, kabilang ang media ang pinahihintulutan sa labas ng bahay.