Unang permanent housing proj. para sa biktima ng Marawi siege, pinasinayaan

Pormal ng pinasinayaan ng National Housing Authority (NHA) kasama ang pamahalaang lokal ng Marawi City, ang 39 ektaryang pinaka-unang permanent housing project para sa mga residente ng ground zero na nawalan ng mga tirahan.

Pinangunahan mismo nina NHA General Manager Marcelino Escalada, Jr. at Mayor Majul Gandamra ang seremonya, para sa pagtatayuan ng Pamayandeg sa Ranaw Residences, nitong Biyernes ng umaga.

Sa panayam kay Gandamra, sinabi nito na nasa 2,000 mga apektadong pamilya mula sa most affected areas ang makikinabang sa naturang proyekto.

Sabi ng opisyal, na ang NHA ang bumili at magdedevelop ng lupain, samantala gagawin namang libre ang mga housing unit ng San Miguel Foundation.

Bukod sa mga bahay sa resettlement area, magtatayo din dito ng palengke, livelihood centers at mga paaralan.

Target matapos ang proyekto sa loob ng dalawang taon.