Unang kaso ng COVID-19 sa Tagum City, na-stroke at binawian ng buhay

Isang pari ang unang namatay sa COVID-19 sa Tagum City, Davao del Norte. Sa pamamagitan ng official Facebook Page ng Pamahalaang Lungsod  ng Tagum, inihayag ng COVID-19 City Task Force na si Fr. Arnel Celis ay ang unang tao na  nagpositibo sa coronavirus disease pero na-stroke noong April 27, Lunes.

Sa primero, hindi pinangalanan ng Pamahalaang Lungsod ng Tagum ang nagpositibo pero sinabi lamang na taga Barangay Visayan Village. Ang  resulta ng kanyang test na nagpositibo saCOVID-19 ay  ni-release ng Davao Regional Medical Center (DRMC) noon lamang Miyerkules ng hapon nitong linggo kung kelan si Celis ay na-stroke na.

Inamin ng task force na puno ng hamon ang paghahanap sa mga close contacts ni Celis.  Pero ang pamilya ni Celis ay nag bigay ng pahintulot na ihayag ang pangalan ng pari na namatay at  nagpositibo sa COVID-19 para mapadali ang contact tracing.