Tanging Cabinet meeting lamang ang magiging aktibidad ngayong araw na ito ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ito ang kauna-unahang pagpupulong para sa taong ito ng mga miyembro ng Gabinete.
Hindi naman masabi ni Panelo kung ano ang mga pangunahing agenda ang nakatakdang talakayin sa ika-33 Cabinet meeting na gaganapin ngayong hapon.
Disyembre 3 nang huling pangunahan ng Pangulong Duterte ang pulong ng mga miyembro ng Gabinete sa Malacañang.
Ilan sa mga pinag-usapan sa huling meeting ng Team Duterte sa 2018 ang tungkol sa estado ng presyo ng produktong petrolyo, implementasyon ng second tranche ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law habang nagkaroon din ng briefing sa National Task Force on Ending Local Communist Armed Conflict. | ulat ni Alvin Baltazar