Unang batch ng Philippine ID, sisimulan ng ipamahagi

Target nang simulan ngayong linggo ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pamamahagi sa unang batch ng Philippine IDs, para sa mga nakapagrehistro na sa Step 1 at Step 2 ng PhilSys.

Ayon sa PSA, mayroon nang 956 ID cards ang naimprenta ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa initial ID card production na ipapadala ng PHILPost, sa mga lalawigang na unang nakapagparehistro sa national ID.

Kabilang dito ang La Union, Ilocos Sur, Nueva Ecija, Bulacan, Pampanga, Rizal, Cavite, Iloilo, Bacolod Albay, Bohol, Masbate Capiz, Negros Oriental, Cebu at Davao

Tampok sa PhilIDs ang PhilSys Number (PSN) ng mga registrant.

Pinaalalahanan naman ang mga makakatanggap na ng ID, na gamitin lang ang PhilSys Card Number (PCN) tuwing gagawa ng transaction sa publiko at pribadong sektor, tulad ng government institutions at banks.

Nauna nang iniulat ng National Economic and Development Authority, na aabot na sa 33.4 milyong Pilipino ang nakatapos sa Step 1 ng National ID.