Umano’y unfair labor practice ng ilang TV networks, nakatakdang idulog ni SAP Bong Go kay Secretary Bello

Nakatakdang makipag-usap si Special Assistant to the President Secretary Bong Go kay Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III.

Ito’y upang idulog ang aniya’y reklamong kanyang natatanggap na may kinalaman sa unfair labor practice na kinasasangkutan ng ilang himpilan ng telebisyon o TV network.

Ani Go, gagawin niya ang pagdulog at pakikipagpulong kay Bello kasunod ng mga natatanggap nitong reklamo laban sa ilang network na hanggang ngayo’y hindi pa rin nagri-regular ng kanilang mga empleyado sa mahabang panahon.

Sinabi din ni SAP Go, na nilapitan siya ng ilang cameramen at network personnel na nananatiling contractual pa din sa kani-kanilang pinaglilingkurang TV networks.

Gayunpaman, hindi na isinapubliko pa ni Go kung aling mga kumpanya na nasa larangan ng broadcasting ang inirereklamo ng unfair labor practice. | via Alvin Baltazar