Umano’y anomalya sa registration ng Japanese Encephalitis vaccine, pinaiimbestigahan

Ibinunyag ni House Deputy Minority Leader at Iloilo Representative Janette Garin ang umano’y iregularidad sa pag-apruba ng bakuna kontra Japanese Encephalitis.

Sa budget hearing ng Department of Health (DOH), sinabi ni Garin na inabot lamang ng limang araw ang pagbibigay ng Food and Drug Administration (FDA) ng registration sa naturang bakuna na karaniwang inaabot ng apat hanggang walong buwan.

Kung matatandaan, nitong Marso ng taon nang simulan ng DOH ang vaccination program kontra sa naturang sakit sa ilang rehiyon tulad ng Regions 1, 2, 3, at CAR.

Tiniyak naman ni Health Secretary Francisco Duque, na muli nilang rerebyuhin ang papel ng naturang bakuna upang alamin kung paanong na-aprubahan ito ng ganoong kabilis.