Ulat tungkol sa Indonesian health workers na tinamaan pa rin ng COVID-19 kahit fully vaccinated na ng Sinovac, hindi makakaapekto sa vaccine confidence ng mga Pilipino

Kumpiyansa si vaccine czar Carlito Galvez Jr. na mananatili ang vaccine confidence ng publiko sa Sinovac vaccine.

Kasunod ito ng ulat kung saan 300 health workers sa Indonesia ang tinamaan pa rin ng COVID-19 kahit pa fully vaccinated na ng Sinovac.

Ayon kay Galvez, mahigit 140,000 health care workers sa Pilipinas ang nakatanggap ng naturang bakuna at wala namang naiulat na severe adverse reaction o kahit pagkasawi.

Sa kabila nito, hintayin na lamang muna ang pag-aaral dito ng vaccine expert panel ng bansa.

Mas mainam aniya kasi na mula sa validated source at pagsusuri ng eksperto manggaling ang analysis.