Ulat ng sobrang singil ng mga UV Express, aaksiyunan ng LTFRB

Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga operator at driver ng Utility Vehicle o UV express na sobra-sobrang maningil ng pamasahe.

Ito ay sa harap ng mga ulat na nakarating sa ahensiya hinggil sa umano’y pagdaragdag ng limang piso sa pasahe ng mga kinauukulan ng walang pahintulot mula sa gobyerno.

Sa economic briefing sa Malaca├▒ang, sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra na nakatakda silang mag-operate sa mga lugar kung saan may report na over-charging.

Batay sa nakakalap na report ng ahensiya, walang magawa ang mga pasahero sa dagdag limang piso dahil ikinakatwiran ng mga UV express driver ang mataas na inflation at mataas na presyo ng gasolina.

Kabilang sa mga nakatakdang i-operate ng LTRFB ayon kay Delgra ay ang mga ruta ng UV express na Quiapo-Megamall-Pasig, Quiapo- Fairview, Cavite-Makati, Marikina-Cubao at ilan pang lugar sa Metro Manila.

Umapela si Delgra sa mga operators na itigil ang sobrang singil sa pasahe dahil may katapat na parusa ang mga ito. | ulat ni Alvin Baltazar