Ulat ng Reporters Without Borders na pagiging media predator ni PRRD, walang basehan — Malacañan

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, walang merito ang report na ito.

Kung titingnan kasi aniya ang findings ng International Criminal Court (ICC) prosecutor, lahat ng pinagbasehan nito ay ang mga artikulo o reports mula sa media entity na maituturing na kritiko ng gobyerno.

Nangangnahulugan lamang ito, na buhay at maayos ang freedom of the press sa Pilipinas, lalo at wala namang sino man ang sinampahan ng libelo ng pangulo.

Bukod dito, wala rin aniyang ipinakulong ang pangulo.

“Absolutely bereft of merit. Kung titingnan ninyo po iyong findings ng ICC prosecutor, lahat po ng kinu-quote niya eh media na critical sa gobyerno. So that proves po that freedom of the press is alive and well in the Philippines, wala po ni isang kasong libelong sinampa ang Presidente, wala pong kahit sinong mamamahayag na napakulong ang Presidente.” —Secretary Roque.

Binigyang diin ng kalihim, na ang mga isyung ibinabato kay Pangulong Duterte, partikular ang usapin sa prangkisa ng ABS-CBN, ay desisyon ng Kongreso. Habang ang usapin naman sa Rappler, ay paglabag sa batas ng Securities and Exchange Commission, na kung tutuusin aniya ay appointees pa ng dating administrayon ang mga nakaupo.

“At iyong mga issues na binabato nila kay Presidente, ABS-CBN, iyan po ay desisyon ng Kongreso at ang Rappler naman po ay sinabing lumabag sa Saligang Batas ng SEC na lahat po ay appointed pa ni dating Presidente Aquino. That’s part and parcel of course of the media groups advocacy to promote freer press pero wala po talagang basehan na media predator ang ating Presidente.” —Secretary Roque.