Ulat ng PSA na tataas ng 16% ang produksyon ng palay sa 3rd quarter ng 2020, ikinagalak ng DA

Ikinatuwa ni Agriculture Secretary William Dar ang inaasahang 16 percent, na pagtaas ng produksyon ng palay sa bansa sa ikatlong quarter ng 2020.

Ito ay batay na rin sa pagtaya ng Philippine Statistics Authority (PSA), na nagsabing makakapag-ani ng 3.542 million metric tons ng palay ngayong ikatlong quarter ng taon.

Ito ay mas mataas kung ikukumpara sa 3.051 million metric tons na naitala sa kaparehong panahon noong 2019.

Ayon kay Dar, welcome development ang pagtaya ng PSA.

Patunay aniya ito, na on track ang pinaigting na interbensyon ng ahensya at nagsisimula na itong magbigay ng bunga.

Tinukoy ng agriculture chief, ang pagpapatupad ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), Regular Rice program, at iba pang rice resiliency project.

Umaasa ang kalihim, na magtutuloy-tuloy na ito hanggang sa ikaapat na quarter sa kabila ng posibleng epekto ng mga dumating na bagyo.