Ulat ng pamimili ng boto sa nakalipas na Barangay at SK elections, ipinaubaya na ng DILG sa Comelec

Ipinaubaya na ng Department of Interior and Local Government sa Commission on Elections ang pag-aksyon sa sumbong na vote buying sa katatapos na Barangay at SK elections.

Ayon kay DILG Assistant Secretary at Spokesperson Jonathan Malaya, dinagsa kahapon ang tanggapan ni Undersecretary for Barangay Affairs Martin DiƱo ng mga sumbong galing sa mga concerned citizen.

Kabilang sa mga naghain ng formal complaint sa DILG ay mula sa lugar ng Paliparan sa Cavite, Camarin, Caloocan City, Brgy. Pasong Putik, Quezon City, San Mateo at Taytay na pawang sa lalawigan ng Rizal.

Sinabi ni Malaya na nasa disposisyon na ng Comelec kung anong ligal na aksyon at kaukulang imbestigasyon ang gagawin sa sumbong na ilang government officials ang nakialam sa katatapos na eleksyon. | via Rey Ferrer