Ulat na ubos na ang NFA rice sa ibang bahagi ng Luzon, hindi dapat ikapangamba — Palasyo

Walang dapat na ipag-alala ang publiko hinggil sa ulat na umano’y ubos na ang suplay ng NFA rice sa ilang bahagi ng Luzon.

Sinabi ni Office of the Cabinet Secretary Spokesperson Assistant Secretary Jonas George Soriano, nasa apat hanggang limang porsiyento lang ng kabuuang rice supply ng bansa ang NFA rice.

Kaya kung magkaroon man anya ng limang porsiyento ang rice supply sa merkado, wala ani Aquino itong epekto sa presyuhan.

Binigyang-diin din ng opisyal na sapat ang supply ng commercial rice sa bansa, gayung nagsisimula ng magsidatingan ang mahigit sa 7 daang libong metric tons.

Sa panig naman ni Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra, sinabi nitong walang rason para mag-panic gayung sa pangkalahatan, sapat ang supply ng bigas sa bansa. | via Alvin Baltazar