Tuloy-tuloy na dagdag sa datos ng mga gumagaling mula sa COVID-19, asahan —OCTA Research

Walang duda ang OCTA Research na magpapatuloy ang pagdating ng recoveries na naitatala ng pamahalaan sa gitna ng mga nadaragdag na kaso ng COVID-19 araw-araw.

Paliwanag ni Dr. Guido David, dahil na rin ito sa characteristic ng Omicron variant na dahil sa maiksi ang incubation period ay maikli din ang total duration.

Dahil nga dito, sabi ni Dr. David, na kaya pinaiksi ng Department of Health ang quarantine period na ibinase sa mga nakikita ng mga ibang eksperto sa ibang bansa.

Dagdag pa ni David na base sa kanilang datos na may kinalaman sa naire-record na tinatamaan ng COVID-19, nasa mga 98% ang mga mild cases at ang mga asymptomatic ay nasa 2%.

Kung may naitatala man aniyang severe at critical, ito, ayon sa OCTA, ay kakaunti lamang.