Tulak ng droga, arestado sa buy-bust sa Malabon

Timbog ng isang tulak umano ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Malabon PNP sa pangunguna ni PLt. Amadeo Tayag kaninang madaling araw sa Mabolo St. Brgy. Maysilo, Malabon City.

Nakilala ang suspek na si Delia Sampaga, 45-taong gulang na residente mismo ng nasabing lugar.

Ayon sa mga pulis pawang newly identified na pusher ang suspek.

Narekober mula kay Sampaga ang ginamit na buy-bust money at anim na sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 4.5 gramo at nagkakahalaga ng ₱30,600.

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.