Trillanes, nananaginip lang nang sabihing dadanasin din ng Pangulo ang sinapit niya ngayon – Palasyo

Binuweltahan ng Malacañang ang naging pahayag ni Sen. Antonio Trillanes IV, na dadanasin din ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sinasapit niya ngayon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, nananaginip lamang ang mambabatas nang sabihin nito ang gayung mga pangungusap.

Binigyan diin ni Roque, na malaki ang pagkakaiba ni Trillanes at Pangulong Duterte dahil naging piskal ito at alam ng Pangulo ang kanyang ginagawa.

Una nang itinanggi ng Malacañang ang paratang ni Trillanes, na ginigipit ito ng gobyerno matapos lumabas ang arrest warrant laban sa senador.

Iginiit ni Roque na hinahayaan umano ni Pangulong Duterte na gumulong ang hustisya sa bansa at iginigalang din nito kung anuman ang magiging desisyon at order ng hukuman. | ulat ni Alvin Baltazar