Tricycle drivers, magsasagawa ng kauna-unahang summit sa Pasay ngayong araw

Nakatakdang magtipon-tipon ngayong araw ang mga tricycle drivers association (TODA) sa Pasay City.

Panawagan ni dating Special Assistant to the President na ngayo’y kilala bilang Special Assistant to the People Bong Go, na pagandahin ang serbisyo ng mga TODA drivers at kabuhayan ng mga ito.

Magsasagawa nang kauna-unahang TODA Summit na dadaluhan ng TODA leaders sa buong bansa ngayon araw ng Miyerkules sa Cuneta Astrodome.

Inaasahang present dito ang mga ahensya ng gobyerno mula Department of Transportation (DOTR) at Department of the Interior and Local Government (DILG).   

Dadalo rin sa pakikipag-dayalogo sa mga TODA leaders ang LTFRB at LTO para mapag-usapan ang mga kakulangan sa kaalaman sa batas trapiko; Department of Energy, para sa presyo ng gasolina; Department of Trade and Industry (DTI), para mapalago o makapag-simula ng bagong pangkabuhayan, at TESDA para sa skilled workers na nais mag-aral.

Layunin din ng nasabing programa na mapakinggan ang hinaing ng mga TODA drivers sa bansa.  | ulat ni Ariel Fernandez